Tuesday, May 12, 2020

"Kumakatok Ako Sa'yo, Maghanda Ka Na"


Note: If you are using a mobile phone, please scroll down and click view WEB VERSION below this post on your phone.

Last year pauwi po ako galing school paglabas ko po nung gate may nangungusap sakin ngunit hindi ko maintindihan kung ano yung bagay na ipinaparating sakin hanggang sa nagigising ako tuwing madaling araw, that’s when I thought may message sa 'kin ang Panginoon. After nun nagbasa ako ng bible knowing na para bang may mensahe na gustong iparating sakin kaso hindi ko masumpungan hanggang sa araw araw bawat pag uwi ko sa school laging may naglelead sakin magbasa ng bible at ang nabasa ko ay Book ng Proverbs.

December can’t really remember kung anong week pero natapos ko siya nung January, 2020. Nag message si Pastor Nonoy na ang pagbabasa ng Proverbs ay paghuhubog sa atin kung paano maging isang mabuting mananampalataya which is right prineach ito ng aming Pastor mga February, 2020. Nung January sa tinagal tagal ng hinintay ko dumating na yung message na gustong iparating sakin ng Panginoon "kumakatok ako sayo, maghanda ka na" ayan yung message na ipinahayag sakin ng Panginoon pero nagtaka ako sa sarili ko at nagtanong, Sa Panginoon ba talaga galing to? Pero bago ipahayag sakin ng Panginoon yung mensahe niya may sister na lumapit sakin kinausap niya ko sinabi niya na 'maghanda ka na' which is confirmed. 

Binago ko yung lifestyle ko as in lahat dahil ako mismo sa sarili ko ay gusto ko na ding makapag-handa dumating sakin yung mensahe noong January, 2 days before nag erupt yung taal. Binago ko ang paglakad ko sa harap ng Panginoon at paglilikod. Lahat binitawan ko na alam kong ikahihina ko sa paglilingkod hindi yun naging madali dahil yun yung paraan ng pamumuhay ko unang una sa lahat bilang isang kabataan na naglilingkod sa Panginoon at isang kabataan na estudyante ang hirap mai-balance yung oras dahilan sa gawain sa school at gawain sa Panginoon. Hindi madali. 

Baby pa lang ako nasa gawain na hanggang sa ipinasok na sa Sunday School at nung nag-dalaginding ipinasok na sa loob at nabautismuhan. At the same time pumapasok na din ako sa paaralan hanggang sa ito, college na and as I look back sa 19 yrs existence ko na-realize ko na ang sentro pala talaga ng buhay ko ay si Kristo, although I spent my life studying for 13 yrs. At isang malaking pagpapasalamat ko ito sa Panginoon dahil hindi ako nahiwalay sa katotohanan ng buhay dahil yun yung kinalakihan ko.

New chapter ng buhay ko, college. I realized na hindi assurance ang edukasyon sa successful na buhay at wala ding assurance kung lumaki ka sa church or tumigil ka sa pag-aaral na makakasama ka sa pag-agaw (I’m not pointing anyone, point of view ko lang po ito). To be honest, I was too confused kung mag-aaral pa ba ako. Madaming nagsasabi na huwag na malapit na ang pagbabalik ng Panginoon at madaming advices ang natatanggap ko pero nanalangin ako I asked God kung ano ba talagang will niya sa buhay ko, what is my purpose outside? May nangangailangan ba sakin doon na maabot ng mga salita ng Diyos? Hindi ko alam, mga kapatid. I almost even asked God na pahintulutan niya na maaksidente ako nung araw na akoy nag enroll mag isa, I almost asked God. Para ma-confirm ko talaga na hindi niya will na mag aral pa ako. And I thank God dahil di ako na-aksidente :D so yun, It was not my own decision because I keep asking God numerous times. Hindi ko talaga alam, ang nasabi ko lang nung araw na yun, LET YOUR WILL BE DONE, LORD. 

Isa sa ipinalangin ko sa Panginoon na kung pahintulutan niyang akoy makapagtapos patuloy niya akong ituwid at bigyan ng mapag-pakumbabang puso dahil ayoko itingala ang baba ko sa mga kapatid ko sa pananampalataya. 

To be honest, ayokong dalhin ang pagiging edukada ko everytime na magkakasama tayo o kahit nasaan man ako dahil sa harapan ng Diyos lahat tayoy pantay pantay and I easily get hurt everytime na may nagsasabi sakin “ayan si Hannah nag-aaral pa, magpapa-iwan yan” “Oh si Doc Hannah, magpapaiwan pa yan eh” no one would love to hear that from a fellow sister or a brother, I never told anyone to call me a Doctor because I'm not. It’s because I'm your sister na naghihintay din naman sa pagbabalik ng Panginoon, never akong nagdamdam dahilan sa hindi yun isang magandang katangian and after niyo pong basahin yung testimony ko I hope na we should always mind every words na sinasabi natin. I thanked God na he put to hard trials para hubugin niya pa ako ng husto. 

Nalululong din ako sa pag seselpon halos 8 to 10 hrs ako nakakapag selpon araw araw kaka-scroll sa social media, kakanood ng kdrama at kpop world lahat ng ito ay naiwanan ko na mid-feb pa lang dahilan sa wala na dun ang kagalakan ko hindi ito biglaan na nawala sakin kundi binawas bawasan ko ang pag gamit dahil sa mensahe ni pastor na we should use our time wisely lumipas ang ilang buwan minonitor ko sarili ko sa pag gamit ng selpon at sa biyaya ng Panginoon 2 to 3 hrs na lang yung pag gamit ko ng selpon at mas nakakapaglaan na ako ng oras sa pagbubulay bulay ng mga salita niya iba pala talaga kapag ang Panginoon ang nagsabi satin na maghanda na kasi maghahanda ka talaga at yun yung isang malaking pagpapasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya ako nilagpasan at nagpapatunay na mahal pala talaga ako ng Panginoon hinding hindi niya iiwan ni-isa sa kanyang mga tupa.

Hanggang sa dumating ang February may nanaginip na madaming kabataan ang naiwan sobrang nalungkot ako non kasi ginagawa ko naman yung alam kong tama at makakaya ko para makapaghanda tas iniisip ko mali ba yung ginagawa kong paghahanda? kaya nagtanong ako sa Panginoon. Nung nag-March may lumapit na sister sinabi niya yung ipinahayag ng Panginoon sa kanya na patungkol samin (dalawa kasi kami) sinabi niya 'kung ano yung bagay na sinimulan nyo ipagpatuloy niyo lang" ito yung confirmation na hinihintay ko, Mahirap kasi tumakbo sa takbuhin na may dala dala tayong mga kahinaan, dati dinedesire ko lang na makapaghanda ngunit ngayon nagagawa ko na kung ihahalimbawa ko ito sa race field may mga taong wala pa sa starting line at may mga taong nasa starting line na at may mga taong nasa takbuhin na, and I thank God kasi dati yung starting line tinitingnan ko lang ay nalagpasan ko na at isa na rin sa mga tumatakbo. Isa itong malaking pasasalamat sa Panginoon dahil tunay siya sa buhay ko at gumagawa pala talaga ang Panginoon sa sarili niyang kaparaanan upang abutin at hubugin ang bawat isa sa atin. 

Hanggang ngayon naka-include pa din sa prayers ko na, He will take me up those seven steps until His image I stand. Last, to encourage my fellow kabataan. Kung hindi ka pa naghahanda, it is not too late may oras pa although hindi tayo sabay sabay ng paglago, God is working in you too. Hindi lang sakin at sa mga elders o sa mga ate at kuya natin, nasa kahinaan ka? Pray ka lang with a sincere heart kasi lahat dumaan dyan walang matuwid na hindi nagkasala o nanghina, God can hear your prayer kahit millions and millions of people pa ang kasabay mo mag-pray naririnig ka din niya. 

God bless you all. Thank you po pala sa magbabasa ng testimony ko, Salamat sa pagtstsaga. Minsan lang po ito kaya sinagad ko na.





~HMDLS ~2020


I wrote this song for my birthday because I wanted to turn my life testimony into a song to express my gratitude for the past two decades of my life that He has been with me 








Lots of love,
Hannah ~2021

2 comments:

Anonymous said...

Pagpalain Ka ng Diyos Mahal Kong Bunso. Sa unang Pagkahayag mo Sa Liwanag at Patuloy ay sa Tuwina ang aking Pagdalangin ay Puspusin ka ng Diyos ng Kanyang mga Salita na parang Espiritu at Buhay.

Anonymous said...

Pagpalain Ka ng Diyos Mahal Kong Bunso. Sa unang Pagkahayag mo Sa Liwanag at Patuloy ay sa Tuwina ang aking Pagdalangin ay Puspusin ka ng Diyos ng Kanyang mga Salita na pawang Espiritu at Buhay.

The Ministry For Children

joan1601's Teachers album on Photobucket