Tuesday, May 12, 2020

"Ikaw Ay Para Sa Akin, Akin Ka..."

Ang Panginoon ay nagpapakilala sa iba't-ibang panahon ng iyong buhay. Ang lahat ng pangyayari ay itinakda na niya ayon sa kanyang nais. Ito ay paraan ng pagpapakilala niya upang maihayag kung sino SIYA, ang KATANGIAN niya, at LAYUNIN niya sa buhay mo. Mga dakilang bagay na gagawin niya sa hinaharap at kasama ka doon, kapatid.



Sino nga ba ang higit na nagmamahal sa Panginoon? Sila’y ang mga lubos na dumanas ng mga pagsubok. Sapagka't nalaman nila na sila'y tunay na pinatawad at iniligtas ng Panginoon. 

Luke 7:40-


40 Jesus answered him, “Simon, I have something to tell you.” “Tell me, teacher,” he said. 

41 “Two people owed money to a certain moneylender. One owed him five hundred denarii,[c] and the other fifty. 42 Neither of them had the money to pay him back, so he forgave the debts of both. Now which of them will love him more?”

“You have judged correctly,” Jesus said.

43 Simon replied, “I suppose the one who had the bigger debt forgiven.” 

44 Then he turned toward the woman and said to Simon, “Do you see this woman? I came into your house. You did not give me any water for my feet, but she wet my feet with her tears and wiped them with her hair. 45 You did not give me a kiss, but this woman, from the time I entered, has not stopped kissing my feet. 46 You did not put oil on my head, but she has poured perfume on my feet. 47 Therefore, I tell you, her many sins have been forgiven—as her great love has shown. But whoever has been forgiven little loves little.” 


Ang katotohanan sa kadahilang nasa kaisipan ka na niya noon pa man at mahal na mahal ka niya. 

Ang aking LOVE STORY sa aking Panginoong Jesus ay nilalaman ng kung paano Niya ako iningatan, tinuruan, inalalayan. Kung paano Niya ipinakilala ang Kaniyang sarili. Kung paano Niya ako iniligtas sa kapahamakan, paano Niya ipinaramdam ang pagmamahal niya sa akin. Kung paano ko rin naman Siya nakilala, kung paano Niya nabihag ang aking puso. Ito ay hindi matatawaran.. ANG PAG-IBIG NG DIYOS. 


Sa lawak nito ay makakalathala na ako ng libro. Kaya’t panimula at significant lamang ang aking maibabahagi. 

1 ~ Sa pasimula, unang nakarating ang mensahe sa matalik na kaibigang babae ng aking ina. Magkalapit ang aming tahanan sa Laguna. Nagtitipon sila sa tahanan ng nasabing kaibigan ng aking ina. Sa akin nang nagisnan, hindi bababa ng sampu ang mga nakikinig. Sila ay mga nakaupo sa upuang papag. Bahay na gawa sa kahoy, kawayan ang bakod, ilaw na dilaw at kulay itim ang lupa na tila tumigas dahil sa baha. 

Binata pa noon ang aming Pastor, nakatayo, nangangaral. Kung hindi ako nagkakamali hindi pa ako nag aaral noong mga panahon na iyon. 

Ang pamilya ko ay kinabibilangan ng aking ina, ama at 3 kapatid na lalaking nakatatanda sa akin. Ang aking ama ay nangingibang bansa at bilin niya sa aking ina na huwag na huwag ako isama sa mga anumang maraming tao (crowd) dahil very protective sila sa akin. 


2 ~ Nguni’t paminsan-minsan akong sinasama ng aking ina sa bahay ng nasabing kaibigan. May nakakatuwang bagay akong naalala, na hipon na maliliit na may harina ang minsan inihanda sa amin. Sa katunayan nakadalawa pa ako ng kain.

Ang mga sumunod ko nang naalala ay lumipat sa isang elementary school ang gawain, then sa boundary sa Laguna, at ang kasunod na noon ay itinayo na ang chapel sa kasalukuyan. I think, elementary to HS na ako noong mga panahon na iyon.

Ang laging bilin sa akin ng aking ina dapat tahimik lang, at pakinggan mo ang sinasabi ni Pastor. 

3 ~ Elementary nagkakamalay ako sa mga simpleng bagay na ipinangangaral. Mga pambatang pang unawa tulad ng pananalangin, ACTS. Takot sa Diyos at sa salita ng Diyos. Mga nakakatuwang experience, tulad ng paghingi sa panalangin ng sampung piso na pambili ng iba’t-ibang kulay na paper clip. Sabi ko pa, “Jesus, bigyan mo naman ako ng sampung piso pambili ng paper clip.” Kaya noong, papunta kami sa piano lesson ko, nakapulot ako ng sampung pisong papel sa basurahan sa daan. Tandang-tanda ko siya, kasi makakabili na ako ng paper clip. “Lord, bibili na ako ng paper clip ha?” 

Simple, nakakatawa ngunit totoo. Minsan miski nasa edad na. He wants us to be like a child always na umaasa, tumatawag, humihingi sa kanya with a genuine character. Bukod sa pag asa at pagsamo, alam mo sa puso mo na ito ay may kaganapan or may katuparan na ayon sa kanya rin namang plano. 

Mayroon pang isang araw na nakadungaw ako sa bintana, tinitingnan ko ang langit. Nagsasalita ako sa Kanya ng mahina at umiiyak. Nagtatanong ng maraming bagay. isa dun sa naitanong ko bakit namamatay ang tao.. 

4 ~ 1st Year HS – Birthday ko kinabukasan, nanalangin ako. “Lord, birthday ko bukas, ano regalo mo sakin?” (eksaksong salita na sinabi ko bago ako matulog) Noong gabi din na iyon nagkaroon ako ng panaginip. 

Sa panaginip, nakatayo ako at madilim sa paligid. Maya-maya nagkakaroon ng maliliit na liwanag, para itong lumulutang na maliliit na liwanag. May nakita akong anghel pababa mula sa itaas, nagkaroon ng liwanag sa taas habang pababa siya. hindi sumayad ang paa niya sa lupa . Sabi ko pa nga "Wow! Angel.."

May hawak siyang trumpet at isang scroll. Ibinigay niya ang scroll sa akin. Isa itong liham para sa akin mula sa Kanya. Binasa ko, nakasulat ito sa Ingles. Ang hindi ko malilimutan, sa huling bahagi ay sinabi Niya, "Para ikaw sa Akin," "Akin Ka." 

Isaiah 43:1 
1But now thus saith the LORD that created thee, O Jacob, and he that formed thee, O Israel, Fear not: for I have redeemed thee, I have called thee by thy name; thou art mine. 

5 ~ Bago ako nagdecide magpabaptize, nagmemeditate lagi akong nasa terrace nakatingin sa langit ng pare-parehong oras, nananalangin ng mga 3-4 hours. Kita sa amin ang stars, namemorize ko na rin ang pwesto at itsura nito. May isang gabi may tinanong ako sa Kanya at sa harap ko nagcross ang dalawang stars. Lumipas man ang panahon. Tapat ang nangako at panahon ang nagsaysay. Hindi niya ako kinalimutan. Kaya ganun na lamang ang pag-ibig ko sa Kanya at pasasalamat.


No comments:

The Ministry For Children

joan1601's Teachers album on Photobucket