Part II
Honestly, nahirapan ako kung paano i-compose ito dahil sa mga conflicting na mga bagay, at kung paano ko maidedeliver ang mga significant na pangyayari lamang para sa Kapurihan ng Panginoon. Pero pagpasensiyahan niyo na, at ito ang aking nakaya mai-share. Sana maging pagpapala at maging inspirasyon kahit papaano ang buhay na ito na ipinagkaloob ng Panginoon sa akin. Na Siya ay napakabuti, kung paano niya ako inabot at pinalakad sa harap Niya. Malalaman, at mararamdaman mo sa bawat yugto ng iyong buhay na nakatuon ang mga mata sa iyo ng Diyos at kilala ka noon pa man ng Diyos.
1 ~ (Dito sa unahan na ito, yung shared testimony ko nung nakaraan about sa panaginip kong anghel na nagbigay ng scroll or sulat sa akin.) ~
Mag hihighschool pa lang ako. Birthday ko kinabukasan, nanalangin ako. “Lord, birthday ko bukas, ano regalo mo sakin?” Noong gabi din na iyon nagkaroon ako ng panaginip.
Sa panaginip, nakatayo ako at madilim sa paligid. Maya-maya nagkakaroon ng maliliit na liwanag na dahan-dahang bumabagsak mula sa itaas, para itong lumulutang na maliliit na liwanag. May nakita akong anghel pababa mula sa itaas, nagkaroon ng liwanag sa taas habang pababa siya. hindi sumayad ang paa niya sa lupa . Sabi ko pa, "Wow! Angel..."
May hawak siyang trumpet at isang scroll. Ibinigay niya ang scroll sa akin. Isa itong liham para sa akin mula sa Kanya. Binasa ko, ang hindi ko malilimutan, sa huling bahagi ay sinabi Niya, "Para ikaw sa Akin," "Akin Ka."
Lumipas man ang panahon na ako’y nawalay o lumiban. Tapat ang nangako at panahon ang nagsaysay. Hindi niya ako kinalimutan. Kaya ganun na lamang ang pag-ibig ko sa Kanya at pasasalamat.
2 ~ Una, sa pagkakaalam ko ang nasa isip ng ina ko noon para hindi ako mabarkada habang lumalaki kailangan ma-involve ako sa extracurricular activities. Kaya pinag-aral niya ako mag piano, ballet samantalang ang daddy ko naman nag introduce ng roller skates at biking.
2nd Year HS, nakapag-aral ako ng ballet sa Pacita. Then, sa same school ng ballet din ako inabsorb na magwork as an assistant ballet teacher. Kung hindi ako nagkakamali nakiusap ang mommy ko sa may ari na kunin ako para makapagwork ng part-time. Sa pag kakatanda ko kasi, magistop na kasi ako noon magballet kasi mahal ang tuition at mga gamit. At sa isang malabong issue na hanggang ngayon hindi ko alam, nagkakaroon yata ng financial issue noon sa family. Sa una, P150 to 500 per hour, for 6 days a week for 5 hours a day ang working salary.
Mga panahon na iyon, umaatend kami nito at the same time nagbaballet na ako noon ng highschool.
3 ~ Pangalawa, siyempre, nakakapagtaka dahil ang ina ko ang naging way para maakay ako sa church, pero narealize ko na mayroon pa siyang mga bagay na marahil hindi niya pa nagive up or hindi naging bukas pa sa kanya. - Isa sa halimbawa, sa alahas. Pinapasuot niya ako magkuwintas, maghikaw at singsing kapag may mga occasion, na siya ang may gusto na ayaw ko naman kasi either nabasa ko na sa bible o napangaral na ito.
May dalawang panaginip ako patungkol dito. Kaya ko nasabi na ang mga panaginip ay maaaring mga pasimulang pagtuturo ng Panginoon kung minsan sa mas malawak pang karanasan sa pakikipag-ugnayan sa Kanya. (unang panaginip) May akya't baba na dalawang ahas sa clear fish ball sa ibabaw ng piano namin, nung nakita ko ito ay nilapit ko yung kamay ko, yung dilaw na ahas tinuklaw ako sa daliri. Tapos bigla akong nagising, tumakbo ako sa aking ina, “Mommy, nanaginip ako!” kinuwento ko sa kanya, hanggang sabi ko, “tinuklaw ako dito” (tinuro ko yung palasingsingan ko) Pagkasabi ko sa kanya nun, nagulat ako bigla, kasi nawawala na pala ang singsing ko sa daliri. Kaya pinagalitan niya ako at pinalo.
Sunod na nangyari, nawawala yung isang pares ng hikaw ko, sa takot ko na pagalitan ng aking ina. Nagdasal ako na Lord, “Ipakita mo naman sa akin kung nasaan yung hikaw ko, hinding hindi na talaga ako maghihikaw.” at natulog. Noong gabi din na iyon, (pangalawang panaginip), sa panaginip nakahiga ako at bigla akong tumagilid pakanan at tumingin ako sa pagitan ng kama at cabinet pababa, at nakita ko ang hikaw ko. Kinaumagahan, paggising ko ay ginawa ko agad yung nakita ko sa panaginip. Nakita ko nga ang hikaw ko. Simula nun, pilit kong tanggihan ang pagsusuot ng alahas.
Meron sa loob ko na nalalaman ko na parang may hindi tama sa pagsusuot ng alahas. Dahil sa experience na iyon, nalaman ko ang kalooban sa akin ng Panginoon, ngunit sa kadahilanang bata pa ako at maraming bagay pa na dapat malaman, iningatan ko lang iyon sa aking sarili.
4 ~ Though naririnig ko ang mga pangangaral kung sino ang Diyos, mga panahon na iyon hindi pa mulat ang kamalayan ko sa kasuotan at buhok. Nakakapagtaka na aminado ang aking ina na hindi siya makapagpahaba ng buhok dahil nagkakaroon siya ng kati-kati sa ulo, pero nagpapaalala din naman siya sa akin na magpahaba ng buhok at maluwag pa rin naman siya na magpagupit ako (trim) Hindi siya nagsusuggest ng mga bob cut. Samakatuwid, sa tahanan namin walang nagtuturo nang mahigpit tungkol sa mga bagay na iyon.
5 ~ Makalipas ang ilang taon. Hindi ko rin sure kung nalaman ni Pastor na nagtuturo na ako ng ballet, pero wala din pang pangangaral tungkol doon mga panahon na iyon. Nguni't may panahon na hindi na kami nakakaattend, at dumalaw sila Pastor. Nangamusta, tapos nagtanong ang aking ina kay Pastor kung sa church ba daw natin puede yung praise and worship na dance. Feeling ko nung narinig ko yun ay gusto ng aking ina na magsimula iyon sa akin para sa church. Hindi ako nagsalita, nakikinig lang ako. Sa totoo lang, matagal man ako hindi nakakaattend dahil sa pag-aaral at work, may kung ano sa puso ko na may mali sa sinabi niya. Nalalaman ko sa puso ko na ayaw ng Panginoon ng ganun. Sa loob ko hiyang-hiya ako sa Panginoon sa tagpong iyon. Gayun pa man, mabuti parin ang aking ina dahil hindi siya nagkulang na patuloy na mag akay sa akin sa church at sa Panginoon.
Doon ako nagpasimula na magtanong pa ng mga bagay. May kung anong bagay na hinahanap ako na hindi ko pa maintindihan kung ano.
Mas mainam na maturuan ng Panginoon na ayon sa kaniyang pinlanong panahon dahil masasabi mo na ito na ang tinakda ng Panginoon upang humakbang paunti-unti sa kaniyang mga nais na maging ikaw.
(Dumating ang panahon na dito nagpasimula yung pagbabasa ko ng bible sa gabi hanggang madaling araw)
Sa panahon din na ito ako nagtatanong sa Panginoon, hanggang binubuksan niya ako sa mga Salita niya na Siya mismo ang nagtuturo sa akin.
7 ~ Sumunod na mga pangyayari, (Ito yung shared testimony ko about dun sa stars kung tama pagkakaalala ko) Tuwing gabi magkausap kami ng kaibigan kong babae na kapitbahay namin, nakapag share ako sa kanya tungkol sa mga nababasa ko sa bible. Bago nangyari yun, may mga panaginip ako patungkol sa kanya. Nagsisimula na pala ako turuan ng Diyos. May pinapakita Siya sa panaginip na nagcocome to pass hanggang sumama siya sa church at nakapagpabaptize.
Pero masasabing kahit ganun ang nangyari ay isip bata pa ako nito.
8 ~ Sa panahon naman na pinagturo ako sa Ministry for Children. Mga ilang months nakalipas sa pagtuturo sa ministry, umalis ako, dahil mayroong hindi tama, nagtuturo pa ako noon sa ballet ng mga bata to senior age, tapos nagtuturo ako sa mga bata sa Ministry for Children. Hanggang nag decide ako umalis at ‘di na umattend. Hindi pa ako basta basta puedeng umalis sa ballet school dahil sa ilang dahilan at commitment sa job order. At pagkalipas ng ilang years...
HEART OF WORSHIP
~ Isang buwan ng Disyembre nagpasimula ang mga performances sa isang church, iinterpret namin sa ballet and isang kanta bilang paunang prayer (doxology) sa harap ng mga taong nagsisimba. Patay ang ilaw sa audience, habang naka spotlight ang ilaw sa amin na mag baballet. Pagkatapos ng part ko, pumunta ako sa gilid sa dilim at habang nakatingin ako sa kasamahan ko na nagsasayaw sa gitna, nagiintay kasi ako ng queu ko sa sunod ko na part. May nagsalita sa akin (hindi siya audible) narinig ko ito pero hindi audible voice. Sabi ng boses, “Ano ginagawa mo diyan?” Narinig ko yun habang malakas ang sound ng music, maya-maya parang bigla yung pakiramdam ko, nararamdaman ko, nakikita ko katawan ko at from within sa loob ko na nag-iisip na tila may kausap. Nakaramdam ako ng kaba, kasi kilala ko kung SINO IYON na nagsalita. Nakita ko rin ang sarili ko sa dilim na nakayuko na parang pinagsasabihan mula doon sa may ilaw sa taas. Nanlamig ako, nanginginig at mangiyak-iyak.
~ Hanggang nagkaroon ako ng solo part kung saan may mag ba-back up sa akin na acoustic at kakanta ng live habang iinterpret ko ito sa ballet. Yung kanta (piyesa), “Heart of Worship." Advice sa'kin ng teacher ko noon, "pakinggan mo, iinternalize mo" "para maproject yung feelings and meaning ng song." Tuwing nasa studio, at sa bahay namin pinapakinggan ko ito ng paulit-ulit na may kung ano sa loob ko na nauuhaw, na may hinahanap, hindi ako makumpleto, hindi ako mapalagay. Naiiyak ako tuwing naririnig ko yung awit.
May nararamdaman ako na lungkot sa tuwing ipeperform ko iyon. Isa, sa Pacita I, at sa World Trade Center kung hindi ako nagkakamali ng pagkaalala. Sa World Trade Center, may ilang audience na biglang sumabay kumanta sa backup music. Sa mga oras na iyon, mas lalo ko naramdaman na tinatawag na ako pabalik ng Panginoon. May something na hinahanap ang puso ko na CROWD at hindi sila iyon. Hinahanap ng puso ko ang mga taong katulad ko. Parang may nagsasabi na hindi ako para doon sa lugar na iyon. Kaya noong nagbibihis ako pauwi pa lang, alam ko na ang gagawin ko. Nasigurado ko na sa puso ko ang layunin ng Diyos para sa akin. Pagkatapos noon, naglakas loob ako nagsabi sa boss ko, tinestify ko sa kanila yung mga experiences ko na iyon at sabi ko hindi na ako magsasayaw ng solo ng doxology at lalong lalo na sa kahit anong church at nagpasimula akong magdecide na bumalik at umatend uli sa SPL church.
Heart of Worship, “IT’S ALL ABOUT YOU,” “WHEN IT’S ALL ABOUT YOU, JESUS!”
I’ll bring you more than a song… You search much deeper within… You're looking into my HEART. I'm coming back to the heart of worship… And it's all about you, It's all about you, Jesus!
Alam ko na, sa simula pa lang sa kaloob looban ko ang layunin ay magbigay ng kapurihan sa Panginoon, sa anong paraan, tutulungan ako ng Diyos matupad ang lahat na iyon.
When I got back to church, sabi ng ilang elders sa akin na naalala pa nila, ang panaginip na tinestify ko noong nagpabaptize ako, tungkol sa sulat na, "Ikaw ay para sa Akin, Akin ka." Sabi ng ilan sa'kin, "alam kong babalik ka."
Hanggang habang nasa transition ako ng pagbalik ko, nag iisip na ako noon mag resign sa ballet. Doon nagpatuloy uli ang Panginoon, na mangusap sa mga pangangaral na sobrang na touch ang heart ko. Para sa akin ang kada mensahe. Madalas ako nasa harap, parang lagi akong nagiisa at ang Panginoon lang, habang nangungusap ng mga salita niya, every service ganun ang nangyayari. Minsan, dahil nasa harapan ako at isang kapatiran nandun sa gilid sa harap, nakakahiya man, nakita niya akong tumutulo ang luha pasimula pa lang ang preaching.
Lumipas man ang panahon na ako’y nawalay o lumiban. Tapat ang nangako at panahon ang nagsaysay. Hindi niya ako kinalimutan. Kaya ganun na lamang ang pasasalamat, at pag-ibig ko sa Kanya. A life for Jesus Christ. Salamat Panginoon Hesus, mauwi lahat ang kapurihan sa Iyong pangalan.